Magtayo nang may Layunin: Ipinapakilala ang RiverRecycle Boards
Ang aming makabagong recycled board, na gawa mula sa plastic waste, ay idinisenyo para sa makabuluhang konstruksyon at isang pangmatagalang kinabukasan.
Impact sa Kalikasan
Gawa mula sa 100% recycled na materyales, na tumutulong sa pagbawas ng plastik na basura.
Ginawang Pangmatagalan
Dinisenyo upang makayanan ang dekada ng paggamit.
Maraming Gamit Ayon sa Disenyo
Madaling gupitin, hubugin, at iangkop ayon sa pangangailangan ng iyong proyekto.
Lumalaban sa Tubig at Anay
May pambihirang tibay na kayang umangkop kahit sa mahihirap na kondisyon ng kapaligiran.
Abot-kayang Husay
De-kalidad na materyales na mabibili sa presyong abot-kaya.
Mga Real-World na Gamit
Build Better, Build Smarter: Mga Aplikasyon ng RiverRecycle Boards

Eco-friendly panels para sa matibay at pangmatagalang estruktura
Ang aming mga board ay makakalikasan, matipid sa gastos, at lumalaban sa anay.
- Dingding at Partisyon – Matibay, sustainable, and madaling ikabit.
- Bubong at Sahig – Lumalaban sa tubig at ginawang matibay.
- Furniture at Interior – Magandang materyal para sa cabinet, countertop, at iba pang dekorasyon.

Premium na materyales para sa mga high-performance na proyekto
Ang aming mga board ay lumalaban sa init at ulan, lumalaban sa impact, at madaling i-maintain..
- Pontoons at Walkways – Matibay at tumatagal kahit sa matitinding kondisyon ng panahon.
- Outdoor Fixtures – Magagawang bangko, bakod, at signage na pangmatagalan.
- Gamit sa Baybayin at Marine Areas – Lumalaban sa tubig, alat, at korosyon.

Angkop na Solusyon para sa Mabilisang Materyales
Ang aming mga board ay magaan, madaling i-setup, at reusable.
- Emergency Shelter – Matibay at madaling buuin na pansamantalang tirahan.
- Barracks at Site Office – Matatag at reusable na solusyon.
- Event at Exhibition Stand – Napapanatili, magaan, at madaling ilipat.

Para sa mas episyente at mas matatag na mga istruktura
Ang aming mga board ay nagbibigay ng thermal protection, lumalaban sa moisture, at pangmatagalang gamit.
- Insulation Panels – Tinutulungan panatilihing malamig o mainit ang loob ng mga espasyo.
- Weatherproof Utility Covers – Proteksiyon laban sa halumigmig na may kasamang thermal insulation.
- Acoustic Barriers – Para sa pagbabawas ng ingay sa mga construction site, opisina sa pabrika, at mga harang laban sa ingay ng trapiko.

Abot-kaya, maraming gamit, at madaling gamitin
Ang aming mga board ay madaling gupitin at buuin, lumalaban sa tubig, at swak sa iyong badyet.
- Estate at Storage – Matibay at madaling i-customize para sa anumang espasyo.
- Outdoor Project – Lumalaban sa tubig, angkop para sa mga planter, deck, shed, at bakod.
- Workshop at Garahe – Matibay, madaling linisin, para sa flooring, workbench, at countertop.
- Furniture at Dekorasyon – Mainam para sa mga mesa, wall partition, at iba pang custom na proyekto.
Ang Kwento ng RiverRecycle Boards

Ang RiverRecycle Boards ay may positibong ambag sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbabawas ng plastik na basura sa mga daluyan ng tubig at pagbibigay ng sustainable na solusyon para sa mga komunidad. Kami ay nakatuon sa makatarungang sahod at ligtas na kondisyon sa trabaho, alinsunod sa mga prinsipyo ng UN Global Compact.
Recycling the Past. Building the Future.


Bawat RiverRecycle board ay sumasalamin sa makabuluhang pagbabago: ang plastik na basura na dating dumudumi sa mga ilog at sumisira sa ekosistem ay muling nagiging matibay at sustainable na materyales sa konstruksyon. Higit pa sa isang produkto, ito ay may misyon—linisin ang ating mga daluyan ng tubig, bawasan ang pinsalang pangkalikasan, at mag-ambag sa mas maliwanag na kinabukasan ng mga komunidad sa buong mundo.
Sa pamamagitan ng aming innovative recycling process, sinasalba namin ang mga plastic bag, bote, at wrapper mula sa mga ilog at ginagawang mga board na hindi tinatablan ng tubig at lumalaban sa anay. Sa pagpili ng RiverRecycle Boards, ikaw ay namumuhunan sa isang high-performance na materyales at sa isang circular economy na inuuna ang kapwa tao at kalikasan.
Sa RiverRecycle, higit pa sa sustainable solusyon ang amin misyon. Nakikipagtulungan kami sa mga lokal na komunidad upang makapagbigay ng marangal na trabaho na may pantay at makatarungang labor practices, tiinitiyak na ang bawat board na nalilikha ay may ambag sa pagpapanumbalik ng kalikasan at pagpapalakas ng mga komunidad.
Sa kanilang natatanging speckled design, ang RiverRecycle Boards ay sumasagisag sa inobasyon, tibay, at sama-samang misyon para sa kalikasan. Ang bawat pagbili ay ambag sa mas malinis na mga ilog, mas empowered na komunidad, at mga istrukturang may layunin na tumatagal.
Green is the New Gold
Sa taong 2035, layunin naming magkaroon ng 500 river-cleaning sites, na humuhubog sa isang mas malinis na kinabukasan.

Pasig River, Metro Manila Philippines
Kumokolekta ng hangang 4000 Kg/araw
Recycling capacity na 340.000 Kg/year

Citarum River, Bandung Indonesia
Kumokolekta ng hangang 2500 Kg/araw
Recycling capacity na 330.000 Kg/araw
Layunin naming makagawa ng materyales na matibay at pangmatagalan, habang binibigyan ng bagong gamit ang basura. Sa RiverRecycle Boards, makakatulong ka na bawasan ang polusyon, protektahan ang kalikasan, at suportahan ang mga komunidad, para sa mas malinis at mas magandang kinabukasan.
Yunisa Zahrah – Project & Operations Manager
Handa ka na bang magtayo nang may layunin?
Makibahagi sa pagbabago. Pumili ng materyales na may saysay—dahil sa RiverRecycle Boards, bawat proyekto ay hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan para sa tao, kalikasan, at susunod na henerasyon.